2 Taong Gulang na Babae, Patay sa Pambubugbog ng Amain at Tiyuhin Dahil ‘Nakulitan’

 

 

 

 

Isang dalawang-taong gulang na batang babae sa Biñan, Laguna ang namatay matapos umanong bugbuging ng kanyang amain at tiyuhin.

 

Ayon kay “Mina,” ina ng biktima, nadatnan na lamang nya na wala nang buhay ang kanyang anak sa kanilang bahay sa Barangay Dela Paz, Biñan, noong Huwebes ng hapon, Nobyembre 9.

 

Mismong ang kapatid ni “Mina” at ang kinasama nito ang itinuturong responsable sa pagkamatay ng anak.

 

 

 

Kwento ng ina, masama ang kanyang pakiramdam noong araw na iyon, pero pilit niyang pumasok para may pambili ng gatas ng anak.

 

Iniwan nya sa pangangala ng anak sa kanyang kapatid at kinakasama.

 

Ayon sa awtoridad, nakulitan umano ang mga suspek sa bata kaya binugbog nila ito.

 

Kapatid ni “Mina” (kaliwa) at ang kinakasama (kanan) ang mga nambubogbog umano sa 2-taong-gulang na musmos.

 

 

Sa tindi ng pambubugbog na natamo ng musmos, isinuka umano nito ang kanyang kinain.

 

Pero bumara ito sa kanyang lalamunan, na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

 

Sinampahan ng kasong murder ang dalawang suspek.

 

Nanawagan naman ng tulong ang pamilya ng biktima para sa pagpapalibing ng bata. Maaari silang tawagan sa numerong 0955-297-9327.

 

 

 

Source/Images: ABS-ABN

Comments

comments

Loading...