Facebook Poser ni Marc Pingris, Ginagamit ang Kanyang Pangalan Para Magbenta at Manloko

 

Kadalasan sa’ting mga tagahanga, hindi natin maiiwasan ang gumamit ng pictures ng mga paborito nating mga artista, musikero, o atleta bilang profile picture. Ngunit kung nagpapanggap ka na bilang ang artista sa profile mo, POSER KA NA. Mas malala pa ito kung ginagamit mo ang pangalan ng sikat na tao para manloko.

Marami na ang naging ganitong kaso at marami na ring mga celebrities are halos masiraan ng imahe gawa ng mga ito. Isa na rito ang PBA (Philippine Basketball Association) player at asawa ni Danica Sotto na si Marc Pingris.

Maraming lumalabas na account ang basketbolista sa Facebook ngunit may isang problema. Hindi gumagamit ng Facebook si Pingris!

Base sa kanyang Instagram post, ginagamit ng poser ang kanyang pangalan para makabenta ito ng sapatos. Nagpalit pa umano ng profile picture at cover photo sa Facebook ang poser gamit ang larawan ni Marc at ng kanyang pamilya. Iginiit ni Marc na wala siyang Facebook account at Instagram lang ang meron siya.

Dagdag pa ng basketbolista, wala siyang kakilalang Marcuz Sebastian de Mesa at Richards Umali.

Binalaan naman ni Marc na mahiya ang mga taong nasa likod nito dahil maraming na itong naloloko.

 

Source: GMA

Comments

comments

Loading...