Ryan Bang, May Nakakatawang Pakiusap Kina Vic Sotto at Danica

 

Isang nakakatuwang Ryan Bang ang nakiusap sa batikang aktor at host na si Vic Sotto at sa anak nito na si Danica Sotto-Pingris.

Sa “It’s Showtime” nitong Miyerkules, ibinahagi ni Vice Ganda na nakilala ni Ryan kamakailan lamang si Danica.

Dahil hindi alam ni Ryan na ama ni Danica si Vic, naikuwento lahat ni Ryan ang mga bagong segment at ilan pang mangyayari sa “It’s Showtime.”

Ani Vice, nang malaman ni Ryan na anak ito ni Vic ay agad itong nakiusap na huwag sabihin ang kanyang mga naikuwento tungkol sa Kapamilya noontime show.

Matapos ang kuwento ni Vice, humingi ng tawad si Ryan sa direktor ng “It’s Showtime.”

“Direk, sorry po talaga. Naikuwento ko lahat ng segment ng show, kasi akalain ko ba na tatay niya si Bossing. Pero direk, promise ni Danica na hindi siya magkukuwento sa tatay niya,” ani Ryan.

Sa hudyat ni Vice Ganda at Vhong, muling nakiusap si Ryan kay Danica at nag-iwan ng mensahe kay Vic.

“Danica, huwag mo ikuwento kay Bossing, baka matanggal ako dito,” ani Ryan.

“Bossing, kahit sabihin sa iyo ng anak mo, huwag mong gawin doon,” pakiusap ni Ryan.

“Nagkita kami ni Bossing sa baba ng condo ko. Sabi niya batiin ko daw siya, ‘Hi.’ Binati ko na pero di ko talaga (alam),” ani Ryan.

 

Source: ABS-CBN

Comments

comments

Loading...