SEE: Top 10 Highest Paid Pinay Celebrities

 

Lingid sa kaalaman ng marami, malaki ang kinikita ng mga celebrities mula sa kanilang mga shows, pelikula, at mga endorsements. Ngunit hindi lahat ay pare-pareho ang kinikita dahil higit na mas malaki ang kita ng mga celebrities na maganda, talented at sikat.

Narito ang Top 10 Highest Paid Pinay Celebrities:

#1: Kris Aquino

Ang ‘Queen of All Media’ na si Kris Aquino ay hindi lamang lumalabas sa telebisyon bilang host kundi pati na rin sa mga pelikula at commercials. Siya ay magaling na host, actress, commercial model, producer, at writer. Naging host siya ng mga popular na talk shows at game shows sa bansa. Siya ay unang nakilala dahil sa siya ang bunsong anak ng dating Senador na si Benigno Aquino at anak ng daing Presidente na si Cory Aquino.

#2: Judy Ann Santos

Nagsimula si Judy Ann Santos sa pag-arte noong siya ay bata pa at nagbida sa sikat na teleseryeng “Mara Clara”. Nagbida na rin siya sa maraming pelikula na pumatok sa takilya, nag-endorse ng maraming iba’t ibang products, nag-host sa mga TV shows, at nakapag-record rin ng mga albums. Siya ay ikinasal sa host at actor na si Ryan Agoncillo at mayroon silang tatlong anak.

#3: Angel Locsin

Nagsimula si Angel Locsin sa GMA 7 kung saan sumikat siya sa pagbida sa teleseryeng “Mulawin”, “Darna”, at “Mahika”. Lumipat si Angel sa ABS-CBN at nanominate sa Emmy para sa kanyang pagganap sa teleseryeng “Lobo”. Marami na rin siyang endorsements at mga pelikula simula pa noon.

#4: Sarah Geronimo

Ang ‘Pop Star Princess’ na si Sarah Geronimo ay unang sumikat ng manalo siya sa contest na “Star for a Night”. Simula noon ay nakagawa siya ng maraming albums at nagkaroon ng maraming successful concerts. Nagbida rin siya sa maraming pelikula sa ilalim ng Star Cinema Films na pumatok sa takilya. Siya rin ay isa sa mga coach sa ABS-CBN’s “The Voice”.

#5: Bea Alonzo

Si Bea Alonzo ay lubos na sumikat simula noong makapareha niya si John Lloyd Cruz sa “Kay Tagal Kitang Hinintay”. Isa sa mga pelikulang ginawa niya na sinasabing ‘highest-grossing Filipino films of all time’ ay ang “One More Chance” na kung saan ay muli niyang nakapareha si John Lloyd Cruz.

#6: Kathryn Bernardo

Ang ‘Teen Queen’ na si Kathryn Bernardo ay bahagi ng unang batch sa “Goin Bulilit” noong 2005. Sumikat siya ng mapasama siya sa ABS-CBN’s teen oriented series na “Growing Up” na kung saan ay nakapareha niya si Daniel Padilla. Si Kathryn ay kasalukuyang matagumpay sa kanyang career dahil sa marami niyang TV shows, pelikula, advertisements, at mga albums. Siya ngayon ang gumaganap na bidang babae sa teleseryeng “La Luna Sangre”.

#7: Toni Gonzaga

Nagsimula ang career ni Toni Gonzaga pagkatapos niyang sumali sa GMA’s singing contest na “Metropop Star Search” noong 1997. Dati siyang host sa “Eat Bulaga” at kalaunan ay lumipat sa ABS-CBN. Sa Kasalukuyan ay nagho-host siya sa maraming iba’t ibang programa ng ABS-CBN at mayroon din siyang sit-com. Siya ay kasal kay Director Paul Soriano at mayroon na rin silang baby boy na si Seve.

#8: Marian Rivera

Si Marian Rivera ay matagal na sa showbiz ngunit mas higit siyang sumikat ng gumanap siya bilang “Marimar” sa GMA 7. Simula noon ay marami na siyang natanggap na mga lead roles, nagkaroon ng maraming endorsements, at tinagurian pang ‘Sexiest Woman’ ng FHM. Si Marian ay ikinasal sa kanyang matagal ng kasintahan at actor din na si Dingdong Dantes, at mayroon na rin silang magandang anak na si Zia.

#9: Anne Curtis

Si Anne Curtis, na isang magaling na Host at Actress, ay unang nakita sa pelikulang “Magic Kingdom” at nagbida rin sa mga palabas na “TGIS” at “Anna Karenina”. Siya ang isa sa pinakasikat na female celebrities sa bansa at mayroon din siyang sariling mga music albums. Noong isang taon, naging engaged siya sa kanyang long-time boyfriend na si Erwan Heussaff.

#10: Liza Soberano

Si Liza Soberano ay nakatanggap na ng offer para mag-modelo noong 12 years old pa lamang siya. Kasunod nito ay nadiskubre siya ng kanyang kasalukuyang talent manager na si Ogie Diaz at sinabihan siyang mag-aral ng salitang Tagalog. Ngayon, si Liza ang nakatakdang gumanap na “Darna” na mapapanood na sa mga sinehan sa mga susunod na buwan.

 

Source: Pinoy Issues

Comments

comments

Loading...