“It’s Showtime” Family Pays Tribute to Hashtags Member Franco Hernandez

 

Bumuhos ng luha at binalot ng kalungkutan ang buong studio ng “It’s Showtime” ng ABS-CBN ngayong Miyerkules ng tanghali, November 15.

Inalala kasi ng hosts at Hashtags members ang pumanaw na kasamahan nilang si Franco Hernandez.

Ngayon lang nila nagawang mag-alay ng pag-alala kay Franco dahil naka-tape ang epsiodes ng show nitong nakaraang Lunes at Martes, November 13 at 14, dahil sa kasalang Anne Curtis at Erwan Heussaff sa New Zealand.

Ikinasal sina Anne at Erwan noong Linggo, November 12.

Pumanaw si Hashtag Franco matapos itong malunod sa Davao Occidental noong Sabado, November 11.

 

Source: PEP

Comments

comments

Loading...