Transgender Cries Foul Over Jollibee Food Corporation Discriminating Her Sexuality

 

Hindi na napigilang maglabas ng sama ng loob ni Bunny Cadag sa kanyang Facebook account na ireklamo ang Jollibee Food Corporation matapos umano nitong makatanggap ng tawag mula sa management ng kumpanya na hindi na maaaring ituloy ni Bunny ang pagiging transcriber nito dahil sa kanyang sekswalidad.

 

Ayon kay Bunny, hindi nararapat tingnan ang pagiging transgender niya sa kanyang pagtatrabaho kundi sa “uri, paraan, kalidad at disiplina ng pagkakagawa, gayon rin sa uri, paraan, kalidad at disiplina ng ideya at serbisyo ng tagagawa.”

 

Kwento nito ay tinawagan siya umano ng nagpakilala bilang Mr. Louie Angsico, na isa sa mga contact persons sa Human Capitol Development (HCD), upang humingi ng paumanhin at tawad dahil ‘di raw nito alam kung paano ipapaliwanag kay Bunny na “(1) hindi pa handa ang Jollibee Food Corporation sa LGBT Culture at sa mga katulad (niyang nagbibihis ng pambabae), (2) hindi pa sila welcoming sa idea na may transgender sa loob ng isa sa mga kwarto nila at gumagawa ng transkripsyon, (3) ang JFC raw ay may paniniwalang Katoliko at (4) willing pa rin silang ibigay sa kanya ang trabaho” ngunit thru recording nga lang ngunit hindi na siya pumayag.

 

Nagtataka si Bunny at tinanong si Angsico kung saan o kanino nanggaling ang mga dahilan na ibinigay niya.

 

Ika-11 ng Hulyo, nagdesidido itong magpasa at magbigay ng complaint letter sa pammagitan ng pag-email kay Angsico, ngunit hindi siya nakakuha ng sagot rito. Ipinadala niya rin ito official page at website ng naturang fast-food chain ngunit wala siyang nakuhang eksaktong sagot.

 

Tinawagan na rin nito customer service ng Jollibee ngunit matapos ang ilang araw, nalaman nitong naghahanap pa rin ng imbestigador ang kabilang panig.

 

Sa payo na rin ng mga kaibigan at pamilya, nagtungo na si Bunny sa Commission on Human Rights of the Philippines – Gender Office. Kwento nito, “Humingi ako ng tulong. Isinumite ko ang mga printed copies ng Complaint Letter, email messages at text messages na rin namin ni Mr. Angsico. Ang huling bilin sa’kin ay ipapasa na nila ito sa mag-iimbestiga at aabisuhan ako sa loob rin ng ilang araw. Kamakailan lang, napag-alaman ko mula sa CHR-NCR na wala pa ring humahawak sa kaso at kasalukuyan pa ring naghahanap ng imbestigador.

 

Ang hangad lamang naman raw niya ay humingi ng paliwanag sa kampo ng JFC ukol sa mga dahilan na kanyang natanggap. Ani pa nito, ginagawa niya raw ito hindi lamang para sa kanyang sarili ngunit para sa buong LGBTQIA++ community.

 

Tumitindig tayo para sa mas marami pang parating na batang LGBTQIA++, na posible ring masuri muna ang ‘gender identity’ bago tanggapin sa mapipiling propesyon.

 

Huli nitong sabi, “Patnubayan nawa, pero higit kailanman, ngayon mas kailangan at dapat ipasa ang Anti-discrimination bill. Nawa ay hindi na ito ibinbin pa. Nananawagan ako. Nakikiusap. Tao sa tao.”

 

Nag-post naman sa kanilang Official Facebook page ang Jollibee ng public apology para kay Bunny at patuloy na nakikipag-ugnayan dito upang makahingi ng personal na paghingi ng patawad.

 

 

 

 

 

Source: Bunny Cadag FB Account

Comments

comments

Loading...